Bagong listahan ng regular & special non-working holidays, inilabas na ng Malacañang

Manila, Philippines – Para sa mga pinaplano na ang bakasyon sa susunod na taon, inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at Special Non-Working Holidays para 2018.

Batay sa proclamation number 269 – mayroong siyam na long weekends na aasahan sa susunod na taon.

Bukod sa nakanasayang holiday kapag Pasko, Bagong Taon, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Independence Day, Bonifacio Day at Rizal Day.


Nagdagdag pa ng dalawang holiday ang Malakanyang – ang November 2 na natapat sa araw ng Biyernes at December 24 na natapat sa araw ng Lunes.

Ang National Heroes Day naman laging idinadaos tuwing huling lunes ng Agosto, tumapat sa August 27.

Special Non-Working Days naman ang :
Chinese New Year – February 16 (Friday)
Edsa People Power Revolution Anniversary – (February 25 (Sunday)
Black Saturday – March 31
Ninoy Aquino Day – August 21 (Tuesday)
All Saints Day – November 1 (Thursday)
Last Day of the Year – December 31 (Monday)

Wala pa namang petsa ang Eidul Fitr at Eidul Adha na ibinabase sa Islamic calendar.

Facebook Comments