Bagong logo ng "It’s More Fun in The Philippines" tourism campaign ng Pilipinas, ipinaliwanag ng DOT

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang bagong logo ng gobyerno para sa “It’s More Fun in The Philippines” campaign.

Ang tourism campaign ay inspired ng mga local woven textiles na galing sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sabi ni Puyat, layunin nito na ipakita ang iba’t-ibang identity ng mga Pilipino sa buong bansa.


Taglay din ng bagong disenyo ang mga kulay ng bandila ng Pilipinas, partikular na ang pula, asul at dilaw.

Gumamit din ng bagong tourism font ang DOT — ang “barabara” — ang lettering na karaniwang ginagamit sa mga signboard ng jeep.

Nitong Lunes nang ipakita ng ahensya ang bagong commercial ng Pilipinas gamit pa rin ang slogan na “It’s More Fun in The Philippines”.

Kumpiyansa naman si Puyat na maaabot ng bansa ang target nitong 8.2-million tourist arrival ngayong taon.

Facebook Comments