PBA at SBP officials, personal na manonood ng laban ng Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers Sa Doha, Qatar

Manila, Philippines – Personal na papanuorin nina PBA Commissioner Willie Marcial at Board Chairman Ricky Vargas ang dalawang must-win games ng Team Pilipinas laban sa Qatar at Kazakhstan na gaganapin sa DOHA.

Ayon kay Marcial – dapat lang na magbigay sila ng suporta sa Team Pilipinas lalo’t karamihan sa mga manlalaro nito ay mula sa PBA.

Naniniwala naman si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) Al Panlilo na malalampasan ng koponan ang dalawang laban nito.


Unang makakaharap ng national team ang Qatar bukas habang sa linggo ang kazakhstan para sa FIBA World Cup 2019 asian qualifiers.

Kabilang sa 12-man line up ng Team Pilipinas sina Thirdy Ravena, Japeth Aguilar, Mark Barroca, Jayson Castro, Poy Erram, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, Troy Rosario at Scottie Thompson.

Facebook Comments