Bagong LPA na papasok ng bansa, binabantayan

Manila, Philippines – Nalusaw na ang Low Pressure Area na nagdala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Pero hindi pa rin titigil ang mga pag-ulan dahil dulot ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Asahan ang pag-ulan sa Kalinga, Apayao, Nueva Ecija, Bulacan at Rizal.


May saglitang pag-ulan sa Central at Western section ng Visayas at Mindanao.

May isolated rainshowers sa Metro Manila pagdating ng hapon.

Samantala, isang bagong Low Pressure Area ang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at inaasahang papasok ito ngayong araw.

Mataas ang posibilidad nito na maging isang bagyo at kung sakaling mangyari ito ay tatawagin itong ‘Bagyong Odet’.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.

Sunrise: 5:46 ng umaga
Sunset: 5:39 ng gabi

Facebook Comments