BAGONG MARAWI | Rehabilitasyon ng Marawi City, sisimulan sa susunod na buwan

Marawi City – Sisimulan na sa Hunyo 21 ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council Secretary Eduardo del Rosario, Chairman ng Task Force Bagong Marawi, target nilang matapos ang rehabilitasyon sa Marawi City hanggang 2021.

Sabi naman ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff General Carlito Galvez, hindi pa nila matiyak kung si Abu Dar na nga ang bagong lider ng Maute-ISIS Group.


Pero nakakatiyak aniya sila na patuloy na humihina ang teroristang grupo lalo at umabot na sa 42 miyembro ng Maute-ISIS ang sumuko sa pamahalaan.

Dumepensa naman si Presidential Spokesman Harry Roque sa tila mabagal ang pagsasaayos sa mga most affected area

Nilinaw naman ng Task Force Marawi sa mga residente na hindi na nila kailangan ng titulo para makalipat sa temporary shelter.

Facebook Comments