POGO, hindi masabi ng AFP kung maitururing na national threat

Pinag-aaralan pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung maikokonsidera bilang national threat ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ito’y sa gitna narin ng sunod-sunod na pagkakadiskubre sa iligal na operasyon ng POGO.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi pa nila direktang masabi sa ngayon na may mga sundalo ng China na nagsasagawa ng tagong operasyon sa Pilipinas at nagtatago sa mga POGO.


Sa pagsalakay kasi ng mga awtoridad sa Lucky south 99 sa Porac Pampanga, natuklasan ang isang uniporme ng sundalo ng China.

Bagama’t pinawi ng sandatahang lakas ang pangamba ng publiko patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Facebook Comments