BAGONG MARINE BATTALION BARRACKS, ITATAYO NA SA CAGAYAN

9

Cauayan City, Isabela- Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways ang pagtatayo ng bagong Marine Battalion Barracks sa bayan ng Sta. Praxedes sa Lalawigan ng Cagayan.

Ang itatayong barracks ay may 234-square meter at magkakaroon ng 20 na silid.

May kanya-kanya rin comfort room sa bawat silid para sa mga Marines.


Ang proyekto ay binigyang-prayoridad sa ilalim ng DPWH-Department of National Defense – Philippines Convergence Program on Strengthening and Expanding Military Readiness for National Security and Development.

Layunin nito na ayusin ang mga pasilidad at detachments ng militar para sa mas pinabuting personnel capacity nito.

Target namang matapos ang proyekto sa Hunyo 2022.



Facebook Comments