Family Park at Polo Park sa Valenzuela City, binuksan na sa publiko

Binuksan na muli sa mga residente ng Valenzuela City ang Family Park at Polo Park.

Matapos ang mahigit isang taon na sarado ito sa publiko ay nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na ayusin at buksan ulit ito sa mga residente bunsod na rin ng pagbaba ng quarantine classification sa Metro Manila sa Alert Level 2.

Bukas ang mga parke simula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.


Mayroon itong limang time slot kada-araw upang kontrolado ang dami ng mga taong mamasyal.

Dito ay maaaring makalanghap ng sariwang hangin, maglakad-lakad, mag-ehersisyo, magpahinga at makapaglaro pati ang mga bata.

Mahigpit naman ang bilin na pagsusuot ng face mask, pagbabantay sa mga anak at pagsunod sa iba pang health at safety protocols.

Facebook Comments