Bagong mga armas at benipisyo sa mga sundalo, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte

170

Manila, Philippines – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong armas para sa mga sundalo.

Sa kanyang pagbisita sa Camp Agaab sa Sarangani kagabi, sinabi ng pangulo na hindi na siya bibili ng mga segunda manong kagamitan maging sa Amerika.

Muli rin namang nangako si Duterte ng pondo para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.


Maliban rito, tiniyak rin ng pangulo na dodoblehin niya ang sahod ng mga sundalo simula sa enero ng susunod na taon.

Sa huli, humingi ng tawad ang pangulo sa mga sundalo at sibilyang nasawi sa bakbakan sa Marawi.

*



Facebook Comments