Cauayan City – Nagtapos na sa kanilang 45-araw na Recruit Orientation Program ang 68 bagong miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 02, sa Lungsod ng Tuguegarao.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Atty. Villarica-Mamba ang mainit na pagbati mula sa gobernador sa mga bagong miyembro ng BFP at binigyang-diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga bumbero sa komunidad.
Samantala, hinikayat naman ni FCSUPT Lamanero ang mga bagong miyembro na palaging isaisip at isapuso ang kanilang mga responsibilidad sa gitna ng mga hamon sa kanilang tungkulin.
Binanggit niya na ang kanilang pagtatapos ay patunay ng kanilang natutunan mula sa mga pagsubok at ng bunga ng kanilang pagpupursigi sa pagsasanay.
Pinaalalahanan pa niya ang mga nagsipagtapos na maging handa sa mga pagsubok na kanilang haharapin, dahil ito ay bahagi ng kanilang paglilingkod at maghuhubog sa kanilang kakayahan upang mas maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin.