
Pormal nang itinurn-over ng Department of Education (DepEd) ang apat na palapag na gusali sa Santiago Elementary School sa General Trias City, Cavite.
Ayon sa DepEd, ito’y bahagi ng ahensya para matugunan ang kakulangan sa pasilidad sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang bagong gusali ay inaasahang magpapalawak sa kapasidad ng paaralan, na kasalukuyang may 2,400 mag-aaral.
Mahalaga rin ang dagdag na silid-aralan upang mabawasan ang siksikan at shifting ng mga klase, lalo na’t patuloy ang pagdami ng enrollees.
Nilagyan ang bagong gusali ng smart TV, armchairs, at safety features tulad ng fire alarms at emergency lights.
Facebook Comments









