
Epektibo na simula ngayong araw ang umento sa minimum wage sa Davao Region.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa P525 na ang arawang sahod ng mga non-agriculture worker sa rehiyon.
Habang P515 naman ang bagong minimum wage ng nasa agriculture sector.
Samantala, umpisa na rin ngayong March 13 ang dagdag sa sahod ng mga kasambahay na papalo na ngayon sa P6,500 kada buwan.
Sabi ng DOLE, ito ang unang bugso ng wage hike sa naturang rehiyon at may aasahan pang dagdag sahod sa ikalawang tranche sa unang araw ng Setyembre.
Facebook Comments










