Inihayag ni bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na wala siyang babaguhing mga polisiya na ipinatutupad ng ahensya.
Aniya, bakit siya magpapatupad ng pagbabago kung ito ay nakabubuti para ahensya at sa publiko lalong lalo na pag dating usaping public transportation at daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sa unang araw niya sa MMDA bilang chairman nito, aminado siya na na-pressure at na-challenge siya ngunit hindi niya aniya ito uurungan.
Hindi rin aniya siya magbibigay ng pangako sa publiko at magbibigay kung ano ang aasahan nila sa unang isang daan araw niya bilang MMDA Chief.
Aniya, siya lang ay magtatrabaho kung ano ang nararapat dahil mas importante aniya kung ano ang nagawa niya bilang bagong kalihim ng ahensya.