Bagong mobile app para sa mga pasahero ng LRT-1, inilunsad

44

Inilunsad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang bagong mobile app para sa mga pasahero ng LRT line 1.

Tinatawag na ‘Ikot Mnl’ ang app.


Malalaman na rito ang iba’t-ibang tourist destinations base sa kung nasaang istasyon ang pasahero.

Ayon kay LRMC President and CEO Juan Alfonso, kaya nitong malaman ang realtime status ng mga tren, maging ang oras ng arrival at departure nito.

Makikita rin ang pamasahe ng bawat istasyon.

Bukas ang LRMC sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang Tourism Agencies at mga Vlogger.

Makikipag-ugnayan din sila sa Dept. of Transportation (DOTR) at Light Rail Transit Authority (LRTA) para maisama ang LRT Line 2 at MRT Line 3 sa mobile application.

Facebook Comments

From Advertisers