House Speaker Alan Peter Cayetano, tiniyak na susunod sa Term-Sharing Agreement

106

Tiniyak naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tutuparin niya ang napagkasunduang Term Sharing nila ni Marinduque Cong. Lord Allan Velasco.

Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na baka magkaroon ng problema kapag hindi natuloy ang Term-Sharing.


Ayon kay Cayetano, hindi magbabago ang isip niya kahit isulong pa ng mga kapwa mambabatas na manatili siya sa pwesto pagkatapos ng 15 buwan.

Base sa Term Sharing Agreement, si Velasco na ang UUPO bilang speaker sa nalalabing 21 buwan ng kanilang termino.

Facebook Comments

From Advertisers