Bagong Mobile Car ng PNP Benito Soliven, Malaking Tulong sa Operasyon ng Kapulisan!

*Benito Soliven, Isabela – *Malaking tulong sa operasyon ng kapulisan ang bagong mobile car ng PNP Benito Soliven. Ito ang pahayag ni Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng nasabing himpilan sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya, isa umanong oportunidad sa kanyang himpilan na mabigyan ng bagong sasakyan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

Iginiit pa ni Police Inspector Bumanglag na makakatulong umano ang bagong sasakyan sa kanilang himpilan na mapanatili ang kaayusan ng Benito soliven.


Samantala mayroon nang tatlong sasakyan sa ngayon ang Benito Soliven Police Station na gagamitin para sa kanilang mga operasyon lalo na umano sa kamapanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments