Umano’y Isa sa Hot Bed ng Shabu ang Santiago City, Hindi pa Masasagot ng Santiago Police Station 1!

Santiago City, Isabela – Hindi pa umano masasagot ng pamunuan ng Santiago Police Station 1 ang umano’y isa sa hot bed ng shabu sa bansa ang lungsod ng Santiago.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1, bago pa lamang umano sa kanya ang nasabing usapin, bagamat patuloy parin ang pamunuan nito sa pagsupul sa iligal na droga hangga’t patuloy rin ang suporta ng taumbayan kung saan ay kasama ang mga kasapi ng BADAC at mga opisyal ng barangay upang matamo ang hangaring maging drug free ang naturang lungsod.

Samantala hindi na umano katulad ng nakaraang taon na sunud-sunod ang kanilang operasyon sa shabu, kung saan sa ngayon ay ibinaling na umano ng mga suspek ang paggamit at pagtutulak ng marijuana.


Paliwanag pa ni Police Chief Inspector Gatan na maaring nahihirapan na umano sa transaksyon ng shabu ang mga drug addict kaya’t bumalig na sila sa paggamit at pagtutulak ng marijuana.

Facebook Comments