Bagong modus ng pagpapasok ng droga sa bilibid, nadiskubre

33

Manila, Philippines – Mas hinigpitan pa ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapapasok ng bisita sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ito ay matapos na matuklasan ng mga otoridad ang isa na namang panibagong modus ng pagpupuslit ng droga sa kulungan.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Atty. Benjamin Delos Santos – ginagamit na rin ngayon ng mga inmate ang kanilang mga asawa para makapagpasok ng kontrabando sa kulungan.

Mismong ang mga inmates na ang nagsabing itinatago sa katawan ng kanilang mga misis ang droga para hindi ma-detect ng ordinaryong screening at pagkapkap ng mga gwardiya.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ng BuCor na bumaba na ang bilang ng mga iligal na drogang nakakapasok sa bilibid at ilang drug courier na ang kanilang nahuli matapos na tangkang magpasok ng droga sa kulungan.

Facebook Comments