Scarlet Snow Belo – tinaguriang ‘Most Followed Filipino Celebrity Baby’

30

Manila, Philippines – Tinaguriang “Most Followed Filipino Celebrity Baby” ngayon sa social media ang anak ng celebrity couple na sina Hayden Kho at Vicki Belo na si Scarlet Snow.

Umabot na kasi sa isang milyon ang followers ni Scarlet Snow sa official instagram account nito habang higit 600,000 naman sa facebook.

Ang taglay na “natural charm” nga raw ni Scarlet ang dahilan kung bakit nakuha agad nito ang loob ng kanyang mga fans.

Dagdag pa ang ipinapakitang sense of humor nito sa murang edad.

Ilan pa sa mga ‘Most Followed Celebrity Babies‘ ay ang anak ng Kapuso royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si baby Zia at ang anak ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si baby Zion.
Nation

Facebook Comments