Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagkaka-alis kay Heneral Emilio Aguinaldo sa bagong denomination ng limang pisong barya na kanilang ilalabas.
Ayon kay BSP Deputy Governor for Monetary Stability Sector Diwa Gunigundo na inalis lamang sa barya si Aguinaldo subalit makikita pa rin naman ito sa currency series.
Sinabi pa ni Gunigundo, makikita naman si Aguinaldo sa bagong disenyo ng 200 peso bill kung saan inilagay ang kaniyang larawan sa pagdedeklara ng kalayaan nuong June 12, 1898.
Ang mga bagong disenyo ng Philippine peso bills at coins ay ilalabas ng BSP sa susunod na buwan.
Matatandaan na nitong nakalipas na buwan ay inilabas ng BSP ang bagong disenyo ng limang pisong barya kung saan makikita na ang larawan ni Gat. Andres Bonifacio.