BAGONG MUSEUM NG 5ID, PINASINAYAAN

Pormal na pinasinayaan kahapon, November 9, 2022 ang bagong museum ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ito nina Department of National Defense Secretary Jose Faustino Jr. at BGen. Audrey L Pasia, Commander ng 5ID.

Idinisplay sa loob ng museum ang ilan sa mga memorabilya ng 5ID sa panahon ni late Col. Melchor F Dela Cruz at iba pang gamit pandigma na narekober sa buong nasasakupan ng 5ID noong World War I at WWII.

Ayon kay Col. Ferdinand Melchor C Dela Cruz, Chief of Staff ng 5ID at anak ni late Col Melchor F. Dela Cruz, bubuksan aniya ang naturang museum sa publiko pangunahin na sa mga estudyante.

Isa rin sa layunin ng pagtatayo nito ay upang ipakilala sa publiko ang naging kasaysayan ng 5ID, mga achievements at accomplishments nito.

Kaugnay nito, pagagandahin pa lalo ang paligid ng museum para mas maging covenient rito ang mga dadalaw.

Umaasa naman si Col. Dela Cruz na mapapabilang ang bagong museum ng 5ID sa mga tourist destinations sa Isabela.

Isinabay ang blessing at cutting of the ribbon ng bagong museum ng 5ID sa wreath laying ceremony bilang paggunita sa ika-51 taong anibersaryo ng pagkamatay ni late Col. Melchor F. Dela Cruz.

Facebook Comments