Nadiskubre ng Public Health England (PHE) ang isa pang mutation ng UK variant ng Coronavirus sa South West England.
Ayon sa PHE, lumabas sa higit 40 na kaso ang mutation na E484K na unang nakita sa South African variant.
Bahagya naman nabahala ang ilang eksperto sa posibleng epekto nito sa mga dini-develop na bakuna ng ilang kompanya.
Samantala, naniniwala si Department of Heath Secretary Francisco Duque III na epektibo pa rin ang bakuna ng mga kompanyang AstraZeneca at Pfizer laban sa UK variant ng COVID-19.
Kasunod nito, tiniyak ni Duque na patuloy ang ginagawang development ng mga vaccine manufacturers para sa mga iba pang umuusbong na variant ng Coronavirus tulad ng South African at Brazillian variant.
Facebook Comments