NBA players, mandatory na ang pagsusuot ng face mask na KN95 at KF94

70

Mas pinaigting pa ng National Basketball Association (NBA) ang pagpapatupad ng health protocol bilang pag-iingat kontra sa COVID-19 pandemic.

Sa bagong patakaran ng liga, inaatasan ang mga players na gumamit ng medical mask na KN95 at KF94 para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa mga manlalaro, coaches at staff.


Magiging epektibo ang naturang polisiya simula sa susunod na linggo.

Sa ngayon, pinoproseso na ng NBA ang pagdating ng mga face mask para sa lahat ng koponan ng NBA bago ipatupad ang mandatory na pagsusuot nito.

Facebook Comments