
Nagbanta si bagong National Bureau of Investiagtion (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na gagamitan ng full force ng bureau sina dating Cong. Zaldy Co at Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Matibag, hinihintay lamang nila ang mga susunod na development ng kaso sa hukuman laban kina Co at Ang.
Bunga nito, hinamon ni Matibag sina Co at Atong Ang na umuwi na lamang ng Pilipinas at harapin ang kanilang kaso sa bansa.
Si Co ay nahaharap sa mga kasong katiwalian kaugnay ng flood control anomalies, habang si Atong Ang ay isinasangkot bilang utak sa pagkawala ng mga sabungero.
Facebook Comments










