MANILA – Ipatutupad na bukas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “No-Contact Apprehension Policy” laban sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko.Babala ni MMDA Chairman Emerson Carlos partikular sa mga pasaway na motorist, sikaping maging disiplinado na sa pagmamaneho upang makaiwas sa nasabing bagong polisiya ng ahensya.Sa ilalim ng “No-Contact Apprehension Policy”, gagamit na lamang ng Closed Circuit Television (CCTV) cameras sa paghuli ng mga pasaway na motorista na siyang magsisilbing basehan at ebidensiya laban sa mahuhuling motoristang lumabag sa batas trapiko.Paliwanag ni Carlo, partikular na tutukan ay ang mga humaharang sa kalsada, lumalabag sa yellow lane, at iba pang nakaka-obstruct sa kalsada kabilang na ang nagbaba at nagsasakay sa hindi tamang lugar at iba pang mga paglabag sa batas trapiko.Lahat ng mahuli at makunan ng paglabag ay kukunin na lamang ang plaka ng behikulo para maiberipika sa Land Transportation Office o LTO ang nagmamay-ari nito.Kapag isang pribadong sasakyan o kaya’y ang operator kapag ito’y pampublikong sasakyan at kapag matunton na ay ipapadala na lamang ang summon at traffic violation receipt sa kanilang natukoy na address.Mayroon nang mahigit sa 200 cameras ang ipinuwesto ng mmda sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na hindi madaling makita.
Bagong “No-Contact Apprehension Policy” Laban Sa Mga Motoristang Lalabag Sa Batas Trapiko – Ipapatupad Na Bukas (Tomorro
Facebook Comments