Pagasa-Dost, Winaringan Ang Publiko Na Posible Pang Tumindi Ang Init Ng Panahon

28

MANILA -Nagbabala ang PAGASA-DOST na lalo pang titindi ang nararanasang init ng panahon sa bansa.Ito’y matapos maitala sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija ang 36.7 degrees celcuis na temperatura kung saan pumalo sa 52.3 degrees celcuis ang heat index na naranasan sa lugar.Ayon kay Weather Forecaster Aldzar Aurelio, mas delikado ang heat index o init na nararamdaman ng katawan.Sinabi rin ng Pagasa, na madadagdagan pa ang bilang ng mga lalawigan na makakaranas ng tagtuyot dahil sa el niño.Sa taya ng Weather Bureau, aabot sa 32 lalawigan ang makakaranas ng tagtuyot sa katapusan ng abril.

Facebook Comments