Bagong OIC ng NBI, nag-courtesy call kay Justice Sec. Guevarra

128

Nag-courtesy call kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang bagong talagang Officer-in-Charge sa National Bureau of Investigation o NBI na si Eric Bito-on Distor.

Ito ay makaraang natanggap na ni Guevarra ang Memorandum Order ng Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.


Sinabi ni Distor na wala namang partikular na iniatas sa kanya si Guevarra at ang tanging sinabi lang aniya sa kanya ay magtrabaho lang ng tama at naaayon sa batas.

Matapos naman ng closed door na courtesy call ay hindi na nagpa-interview sa media si Distor at Guevarra pero base sa impormasyon ay nagretiro na si NBI Director Dante Gierran kaya nagtalaga ng OIC sa NBI.

Facebook Comments