Binata na Magbebenta ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana, Huli sa Buy-Bust Operation

66

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang dealer ng isda matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jay-Jay Blanco, 24 anyos, binata at residente ng Brgy. Gen. Aguinaldo, Ramon, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, dinakip si Blanco katuwang ang PDEA Region 2 na nagresulta ng pagkakakumpiska ng isang pakete ng pinatuyong dahoon ng marijuana na ibebenta sana nito, 500 pesos na buy-bust money at cellphone.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments