Bagong Omicron sub-variants, hindi magdudulot ng banta sa bansa – OCTA

Hindi magdudulot ng banta ang bagong COVID-19 Omicron sub-variants kahit makapasok pa ito sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, hindi ito magiging major threat sa bansa kahit pa nakikita ng OCTA aabot sa 100,000 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Aniya, mild lamang ang inaasahang COVID-19 resurgence sa Pilipinas kung kaya’t walang dapat ipag-alala ang publiko.


Tiniyak din ni David na hindi mapupuno ang mga ospital katulad noong Delta variant surge.

Facebook Comments