Mga senior citizen at health workers,tuturukan na rin ng 2nd booster shot

35

Palalawigin ng pamahalaan ang bakunahan ng ikalawang booster shot kontra COVID-19 sa mga senior citizen at healthcare workers.

Ayon kay Vaccine Expert Panel Dr. Nina Gloriani, ito ay upang lumawak pa ang proteksyon sa iba pang high-risk groups.

Tiniyak din ni Gloriani na walang amgiging problema pagdating sa kaligtasan ng mga vulnberable group na tuturukan ng booster dose.


Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nakatakdang maglabas ang Health Technology Assessment Council ng rekomendasyon sa paggamit ng ikalawang booster dose para sa mga naturang grupo.

Facebook Comments