
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ngayong hapon sa Heroes Hall, Malacañang.
Kabilang sa mga nanumpa ang mga opisyal ng KBP Board of Trustees na sina Chairperson Herman Z. Basbaño, at Vice Chair Ike S. Canoy na miyembro ng Board of Directors ng RMN Networks.
Nanumpa rin ang mga opisyal ng KBP Standards Authority na pinamumunuan ni Chairperson Enrico Guido O. Canoy, ang Executive Vice-President at COO ng RMN Networks.
Ang KBP ang samahan ng mga brodkaster sa bansa na nagtatakda ng pamantayan sa radyo at telebisyon.
Tinitiyak ng samahan na responsable, balanse, at tapat ang paghahatid ng balita sa publiko.
Inaasahang namang paiigtingin ng bagong pamunuan ang pagsunod sa broadcast standards, lalo na laban sa pagkalat ng maling impormasyon.










