BAGONG OPISYAL | SC, nagtalaga ng mga opisyal sa mga bakanteng pwesto

67

Manila, Philippines – Pawang mga career officials ang napiling mamuno sa mga bakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Nahirang bilang Clerk of Court ng SC First Division si Atty. Librada Buena na papalit sa pwestong iniwan ni Atty. Edgar Aricheta na nahirang naman bilang Clerk of Court ng Supreme Court En Banc.

Tatlumpung taon nang nanunungkulan sa Korte Suprema si Buena na nagsimula bilang librarian ng Kataas-taasang Hukuman.

Si Atty. Ma. Carina Cunanan ay nahirang naman bilang pinuno ng Office of the Administrative Services.

Mahigit dalawampung taon na sa Korte Suprema si Cunanan na miyembro ng Bids and Awards Committee.

Itinalaga naman bilang Deputy Court Administrator for Mindanao si Atty. Leo Madrazo na nagsilbi bilang Regional Trial Court Judge ng Davao City.

Nauna nang inihayag ni Chief Justice Teresita De Castro na sa loob ng maikling panahon na panunungkulan bilang punong mahistrado, nais niyang maalala bilang opisyal na nagbalik ng “collegiality” sa Korte Suprema kung saan nananaig ang kagustuhan ng mayorya sa en banc.

Facebook Comments