NAGBANTA | Senator Trillanes, pananagutin si Pangulong Duterte sa mga krimen umano nito kapag wala na sa pwesto

247

Manila, Philippines – Walang plano si Senator Antonio Trillanes IV na patulan ang hamon ng malakanyang na sampahan niya ng impeachment case si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sinabi ni Trillanes na impeachable offense ang pag-udyok ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na sumama sa kanya gayundin ang pagpayag nito na magsagawa ng surveillance ang ibang bansa kaugnay sa umanoy destabilisasyon sa gobyerno.

Pero sa kabila nito ay walang gagawin ngayon ang kampo ni Trillanes dahil ang paghahandaan nila ay ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Trillanes, kapag natapos na ang termino ni Pangulong Duterte ay saka sila magsasampa ng kaso kaugnay sa ibat ibang krimen na umano ay ginawa nito.

Facebook Comments