Bagong P1,000 polymer banknotes, hindi ipinagbibili – BSP

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hindi ipinagbibili o “not for sale” ang bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer.

Ayon sa BSP, ang polymer banknote ay hindi dapat ibinebenta, ikinakalakal o binibili sa ibang halaga.

Dagdag pa ng Central Bank na dahan-dahan nilang ilalabas ang bagong banknotes simula ngayong buwan.


Matatandaang pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpipresenta sa P1,000 polymer banknotes kung saan makikita sa unahan nito ang Philippine eagle at South Sea pearl sa likod.

Nabatid na aabot sa 500 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes na nagkakahalaga ng P500 billion ang iikot sa 2022 hanggang 2025.

Facebook Comments