AirAsia Philippines, itinanghal na Gold Winner sa Asia-Pacific Stevie Awards 2022

Nagwagi ang AirAsia Philippines ng Gold StevieĀ® Award para sa Innovation in Lifestyle Videos category sa ikasiyam na Asia-Pacific Stevie Awards.

Ang AirAsia ang nag-iisang nagwagi sa kategoryang ito sa buong Asia-Pacific para sa kanilang Allstars at Your Service (AYS), ang pangunguna at tanging online aviation magazine show sa Pilipinas.

Nasungkit din ng AirAsia ang Bronze StevieĀ® Award para sa content at influencer program nito na #AirlineOfTheStars, na ginamit ang partnership sa mahigit 35 showbiz at social media a-listers gaya nina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Box Office Star Vice Ganda, at Celebrity Couple Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon kay AirAsia Philippines Spokesperson at Head of Communications and Public Affairs Steve Dailisan, ang Allstars at Your Service at #AirlineOfTheStars ay kabilang sa kanilang maraming pagsisikap na manatiling konektado sa mga bisita habang karamihan ay naka-isolate sa mga tahanan sa nakalipas na dalawa at kalahating taon

Aniya, napakahalaga para sa lahat ng travel enterprises na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga kuwento at ipaalam sa mga manonood ang pinakabagong impormasyong nauugnay sa turismo.

Nagpasalamat naman si AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla sa lahat ng mga celebrity na sumali sa kanilang educational and entertainment campaigns tulad ng Allstars at Your Service.

Ang kanilang ebanghelisasyon aniya sa new normal traveling ay napakahalaga sa panahon ng pandemya at sa pagsuporta sa maraming negosyo na umaasa sa turismo.

Facebook Comments