Bagong pabahay ni DDS Team Leader Retired SPO3 Arthur Lascanas, hindi sapat para ma-impeach si Pangulong Duterte – ayon kay VP Robredo

28

MANILA, PHILIPPINES – Kumbinsido si Vice President Leni Robredo na hindi sapat na basehan ang mga alegasyong isiniwalat ng self-confessed hitman na si dating SPO3 Arthur Lascañas para ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Robredo, masyado pang maaga para gamiting basehan ang pahayag ni Lascañas hinggil sa pangunguna ni Pangulong Duterte sa Davao Death Squad.

 

Sabi pa ni Robredo, bago ito gamiting basehan sa impeachment ay dapat munang mapatunayang totoo ang mga alegasyon nito.

 

Samantala, ikinatuwa naman ni Robredo ang naging desisyon ng senado na muling pakinggan ang pangalawang pahayag ni Lascañas sa kabila ng nauna nitong pagtanggi na mayroong DDS sa Davao City.



 

Facebook Comments