18 Day Gun Ban, ipapaptupad sa Iloilo City sa susunod na buwan para sa ASEAN Meetings

48

ILOILO CITY, PHILIPPINES – Magpapatupad ng gun ban ang Police Regional Office 6 sa isasagawang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN meetings sa Iloilo city sa susunod na buwan.

 

Sa katunayan, aprubado na ng Philippine National Police ang suspension ng Permit To Carry Firearms Outside Residence o PTC FOR simula sa Marso 3 hanggang 20.

 

Ayon kay PRO-6 Spokesperson Supt. Gilbert Gorero, ginawa ang nasabing hakbang sa APEC ministerial meetings noong 2016 sa western Visayas.

 

Ang Iloilo city ang isa sa dalawang lugar sa Western Visayas na piniling maging venue ng ASEAN meetings.




Facebook Comments