Nasawi ang isang bagong panganak na babae sa Russia nang tanggalin umano ng doktor ang uterus nito habang inaalis ang kanyang placenta matapos magsilang ng anak na babae.
Cardiac arrest at matinding pagdurugo ang ikinamatay ng biktimang si Alisa Tepikina, 22 na naging dahilan ng kanyang pagkaka-comatose.
Nakaramdam raw ng matinding sakit ang biktima ilang saglit matapos ipanganak ang sanggol dahil buong uterus raw ang tinanggal sa kanyang katawan.
Batay sa imbestigasyon ng Russian Investigative Committee, wala raw ‘violent actions’ ang nagpaanak na doktor ngunit hindi raw ito pinakikinggan ng medical experts ayon sa head doctor ng ospital na si Elena Barannikova.
Ang insidente ay isa umanong “spontaneous inversion of the uterus” o kusang pagbaliktad ng uterus na bihira raw mangyari dagdag pa niya.
Pahayag naman ng medical experts, sa kaso ni Alisa, kinakailangan raw manu-manong pagtatanggal ng placenta na may pampamanhid ang dapat na isagawa.
“Non-controlled or improper pulling of the umbilical cord led to full inversion of the uterus,” saad ng naturang experts.
Dagdag pa nila, “The female organs that were pulled out, then pushed back when it was too late.”
Samantala, malakas ang loob na ikinuwento ng tatay ng biktima na si Dmitry Malyukova, 47, ang sinapit ng anak.
Sa kanyang salaysay sinabi nitong sumisigaw pa raw sa sobrang sakit ang kanyang anak.
Giit niya, “But the doctor paid no attention.”
Malaki rin daw ang posibilidad na tinanggal ng naturang doktor ang umbilical cord ng anak nang buong pwersa.
Sa karagdagang pahayag ng medical experts, lumala ang kalagayan ni Alisa dahil sa laki ng nawalang dugo rito na nauwi sa cardiac arrest.
Ayon naman sa ina ng biktima na si Svetlana Malyukova, 42, kinakailangan raw managot ng doktor sa nangyari.
Aniya, “There were no apologies, nor attempts to contact us. Soon after the tragedy I went to the clinic because I wanted to look into her (the doctor’s) eyes.”
Malaki umano ang paniniwala niyang pinatay nito ang kanyang anak.
Nahaharap na sa kasong death by negligence ang 27-anyos na doktor na maaaring makulong o sapilitang pagtarabahuin sakaling mahatulan ang suspek.