BAGONG PATAKARAN | Cebu Pacific naglabas ng bagong hand-carry baggages guidelines

Manila, Philippines – Magpapatupad ng istriktong panuntunan sa pagtanggap ng mga hand-carry baggage’s ang Cebu Pacific.

Sa abiso ng nasabing airline company simula sa July 17, 2018 ipatutupad na ang bagong patakaran para sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.

Ayon sa kanilang advisory, ang mga pasahero ay pinapayagan lamang na magdala ng isang hand-carry baggage na may maximum na 7kg ang bigat at isang laptop o handbag.


Dati rati ay pinapayagan ang isang pasahero nang hanggang sa sampung kilo na hand-carry bag.

Ang mga pasaherong may kasama namang sanggol sa kanilang byahe ay papayagang magdala ng isang carry-on baby bag at isang hand-carry baggage.

Layunin ng nasabing polisiya na gawing mabilis ang pagpasok ng mga pasahero at paglabas pagdating sa kanilang destinasyon.

Bahagi rin ito ng pagsasa-ayos ng kanilang serbisyo sa publiko ayon pa sa Cebu Pacific.

Facebook Comments