Isinasapinal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bagong guidelines para sa proper ventilation sa mga workplaces.
Noong nakaraang taon, ang DOLE at Department of Trade and Industry (DTI) ay naglabas ng joint guidelines para mapigilan at makontrol ang COVID-19 sa mga trabaho.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa mula sa COVID-19 at maiwasan ang virus transmission sa mga malls, restaurant, hotels at iba pang commercial establishments.
Higit 70,000 establishments ang ininspekyon ng DOLE, 90% ay sumusunod sa guidelines.
Ang mga kumanyang bigong makakasunod ay mahaharap sa multa mula ₱20,000 hanggang ₱100,000 pesos kada araw.
Facebook Comments