Health workers, uunahin sa COVID-19 vaccination bago ang susunod na priority group – Galvez

42

Muling iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na uunahin sa COVID-19 immunization program ang lahat ng healthcare workers sa bansa bago mabakunahan ang susunod ang priority group.

Pangamba kasi ni Bukidnon Representative Manuel Zubiri na baka hindi makaabot ang bakuna sa mga frontliners sa Visayas at Mindanao.


Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, tiniyak ni Galvez na walang maiiwan na lokal na pamahalaan sa vaccination program.

Lahat aniya ng medical frontliners sa bansa ay makatatanggap ng bakuna.

Dagdag pa ni Galvez, ang mga developing countries ay kumukuha ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility at sa limitadong procurement mula sa multilateral resources.

Ang komite ay nagsasagawa ng pagdinig para sa panukalang batas na layong pabilisin ang procurement at administration ng COVID-19 vaccines.




Facebook Comments