Bagong Patrol Car ng PNP Mallig mula sa Kampo Krame, Matatanggap Na!

25

*Cauayan City, Isabela- *Matatanggap na ng PNP Mallig ang kanilang bagong Patrol car mula sa Kampo Krame na ipinangako ng pamunuan ng PNP matapos ang nangyaring pagpatay kay late Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaṅa bilang dating hepe ng PNP Mallig.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Loreto Infante, ang bagong hepe ng PNP Mallig na makukuha na nila ang kanilang bagong patrol vehicle na kanilang gagamitin sa pagpapatrolya na ngayon ay nasa Isabela Police Provincial Office (IPPO) na at handa na itong maibigay sa kanilang himpilan.

Bukod pa rito ay nakatanggap na rin umano ang kanyang pamunuan ng apat na bulletproof vest na kanila ring gagamitin para sa kanilang pagsasagawa ng Checkpoint at Oplan Sita.

Malaki naman ang pasasalamat ni PSI Infante sa pamunuan ng PNP dahil sa kanilang ibinigay na bagong sasakyan para sa kanilang pang araw-araw na operasyon.

Nananawagan naman ngayon si Police Senior Inspector Infante sa lahat ng mamamayan na makipagkooperasyon sa kanilang mga ipinapatupad na ordinansa upang maiwasan ang anumang paglabag.

Facebook Comments