Lasing na Lalaki sa Cabatuan Isabela, Patay Matapos Bumangga ang Motorsiklo sa Truck!

Cabatuan, Isabela – Patay ang isang lasing na lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na cargo truck pasado alas syete kagabi sa Barangay Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Ayon kay Spo1 Armando Felipe, imbestigador ng Cabatuan Police Station na kinilala ang biktima na si Roland Marcos, bente otso anyos, may asawa at residente ng Purok 2, Saranay, Cabatuan, Isabela.

Samantala ang drayber ng Isuzu Cargo Truck ay si Reynaldo Urbano, limamput tatlong taong gulang, may asawa at residente ng San Andres, Ilagan, Isabela.


Sinabi pa ni SPO1 Felipe na pauwi sa kanyang bahay umano si Marcos na nasa impluwensya ng nakakalasing na alak at sakay ng kanyang motorsiklo kung saan ay pagdating sa lugar ay nag-iba umano siya ng linya sa daan na naging sanhi ng pagbangga nito sa kasalubong na truck.

Sa lakas ng impak ng banggaan ay naideklarang dead on arrival ang bikima nang itinakbo sa isang pagamutan sa Cabatuan Isabela.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Cabatuan ang drayber maging ang dalawang sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments