CARAGA, Philippines – Pormal nang umupo bilang bagong Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga si Aileen T. Lovitos.
Nanguna sa turn-over of Command ceremony kaninang umaga si PDEA Director General Isidro Lapeña kung saan isinalin sa bagong talagang Regional Director ng out-going na si Director Gilbert Buenafe ang liderato nito.
Si Lovitos ay PDEA Agent noon sa Caraga at nagsilbi rin bilang Superintendent ng PDEA Academy sa Silang, Cavite.
Ayon kay General Lapeña, dahil sa magandang performance ni Buenafe kaya nararapat lang na mapromote ito sa posisyon bilang bagong Director ng Special Enforcement Service ng PDEA.
Matandaan na sa nanungkulan ni Buenafe sa PDEA Caraga, iilan sa kanyang mga malaking accomplishment ay neutralized nito ang dalawang kilalang notorious drug lord sa rehiyon na sina Jabar Sangcopan at Rene Cabrera, naideklarang drug free ang bayan ng Tubod, Surigao del Norte.
DZXL558