Manunungkulan na simula ngayong araw ang bagong commanding general ng Philippine Army si Lt/Gen. Gilbert Gapay.
Pinalitan ni Gapay ang kaniyang mistah sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986 na si Lt/Gen. Macairog Alberto.
Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang change of command ceremony sa army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Unang nagsilbi bilang commanding general ng Southern Luzon command at nanguna rin sa pagbawi ng Camp Abubakarr sa Mindanao mula sa MILF nuong taong 2000 si Gapay.
Ayon kay Army Spokesman Lt/Col. Ramon Zagala hindi matatawaran ang mga nagawa ni Gapay partikular na sa counter terrorism at insurgency efforts ng pamahalaan maging ang pagpapanatili sa pagpapatupad ng internal security ng bansa.