Inaprubahan ng Malacañang ang Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) 2023-2028.
Ito ay magsisilbing blueprint para sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, na layong pag-igtingin ang demographic opportunities, at tugunan ang mga nanatiling hamon ng populasyon ng bansa.
Sa dalawang pahinang Memorandum Circular no. 40 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na may petsang November 14, nakasaad na ang planong ito ay magpapabils sa pag-aabot ng socioeconomic development agenda ng Marcos administration sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023 – 2028.
Para matiyak ang matagumpay na pagpapatupad nito, direktiba ng Palasyo sa lahat ng kinauukulangan national government agencies at instrumentalities, at Local Government Units (LGUs) na suportahan at makipagtulungan.
Ang plan of action na ito ay binuo ng Commission on Population and Development (CPD) na dating kilala bilang POPCOM.
Ang tanggapang ito ang mangunguna sa pagbalangkas at pag-adopt ng komprehensibo at pangmatagalang plano at mga programa para sa populasyon.
Magiging epektibo naman ang kautusan, sa oras na mailathala sa Office Gazette.