BAGONG PINUNO | Bagong arsobispo ng Archdiocese ng Jaro na si Archbishop Jose Romeo Lazo, pormal nang uupo ngayong araw

Iloilo – Pormal nang uupo ngayong araw bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Jaro si Archbishop Jose Romeo Lazo kapalit sa nagretiro nang si Archbishop Angel Lagdameo.

Gaganapin ngayong umaga ang installation kay Archbishop Lazo kung saan kahapon ng hapon ay isinagawa ang caravan na sinundan ng evening prayer gayundin ng velada o ang presentation na nagbibigay ng tribute para kay Lagdameo at pagsalubong sa papalit sa kanya.

Sinabi ni Father Angelo Colada, Communications Director ng Archdiocese ng Jaro na hindi bababa sa 20 mga obispo mula sa iba’t-ibang archdiocese sa bansa ang dumating na ng Iloilo upang saksihan ang canonical procession ngayong umaga ni Archbishop Lazo gayundin ang mga kapari-an sa isla ng Panay.


Napag-alaman na bago naging archbishop ng Archdiocese of Jaro, nagsilbi rin si Lazo bilang obispo ng Kalibo, Aklan at obispo ng San Jose, Antique.

Samantala, mananatili naman bilang archbishop emeritus ang nagretiro na si Archbishop Lagdameo na naging pangulo din ng CBCP.

Facebook Comments