BAGONG PINUNO | BuCor Chief Faeldon, pormal nang nanumpa

Manila, Philippines – Nanumpa na kanina kay Justice Secretary Menardo Guevarra si bagong Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, simpleng seremonya ang naganap kanina sa tanggapan ni Guevarra.

Matapos makapanumpa ay agad na nagpulong sina Guevarra at Faeldon.


Kabilang anya sa napag-usapan ang pagtugon sa problema ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi pa ni Undersecretary Parete na natalakay din sa pulong ang problema sa siksikan sa loob ng piitan at ang posibilidad na paglilipad ng minimum at medium prison facilities sa ibang lugar.

Facebook Comments