6 na Holdaper-PATAY, 1 Natimbog Matapos Ma-checkpoint at Manlaban sa mga Pulis sa Lal-lo, Cagayan!

274

*CAGAYAN-* Patay ang anim na holdaper matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa isinagawang checkpoint ng mga pulis kagabi sa National Highway ng brgy Bangag, Lal-lo, Cagayan.

Naaresto naman ang isa pang holdaper na tumakas sa Checkpoint na si Reyes Bulawit Duyao, 34 anyos at residente ng Panggol, Tanudan, Kalinga.


Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay PSSupt Warren Tolito, Provincial Director ng PNP Cagayan, hinarang ng grupo ang dalawang truck at isang sasakyan sa national road ng brgy Bicud, Lal-lo at nagdeklara ng hold-up sa mga biktima.

Kaugnay nito ay Inireport umano ng nakakita ang pangyayari sa PNP hanggang sa maharang ang grupo ng mga holdaper sa inilatag na Checkpoint ng pinagsanib pwersa ng PNP Lal-lo, PNP Allacapan at ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa Nat’l Highway ng brgy Bangag subalit nanlaban ang mga ito na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Narekober sa mga suspek ang kanilang tinangay na perang nagkakahalaga ng isangdaan at apatnapung libong piso (140,000.00), mga alahas, labing dalawang cellphones, at iba’t-ibang uri ng baril at bala.

Samantala, dinala na sa himpilan ng PNP ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong Robbery in Band with Attempted Homicide habang nasa isang punerarya na ang anim na labi ng mga napatay na holdaper.

Facebook Comments

From Advertisers