BAGONG PINUNO | COMELEC, may bagong commissioner

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng isang source sa Palasyo ng Malacanang na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Socorro Inting bilang bagong miyembro ng Commission on Elections o COMELEC.

Wala pa namang inilalabas na pornal na appointment papers ang Malacanang kaugnay sa nasabing impormasyon.

Pinalitan ni Inting sa COMELEC ang nagretirong si Commissioner Arthur Lim.


Si inting ang unang appointee ni Pangulong Duterte sa COMELEC.

Si inting ay tubong Davao City king saan nagsilbi itong prosecutor ng lungsod bago maging hukom noong 1997.

Facebook Comments